Paalam, 2016.

Standard
Mabilis lang ito. Salamat, 2016. Hindi ikakaila, naging mahirap ang unang kalahati tungo sa kalagitnaan ng taong ito. Muntik nang bumigay at sumuko sa pagkilos. Naging mabigat ang ilang mga bagay at relasyon, hindi lamang tungo sa mga kasama kundi pati sa pamilya. At kung noong 2015, marami ang isinilang. Ngayong nagdaang 2016, marami naman ang namatay — kamag-anak, kaibigan, mga hinahangaang personalidad.

Pero sa kabila ng lahat ng mga sakit ng loob, mayroong mga kabanatang naisara, natasa at sa wakas ay nagbigay ng kapanatagan. Ang taong nagdaan ay taon ng mas marami pang pag-aaral, pagsusuma at paghahalaw ng mga aral mula sa mga nakaraang maraming taon ng karanasan. May mga proseso ring naumpisahan at may mga bagong bagay na inaabangan at eksayted na harapin.

Ito na siguro ang taon na sukdulang sinubok ang damdamin at ang pagiging obhetibo. Kinailangang pangibabawan ang napakaraming emosyon at suhetibismo. At dahil sa mga ito, sa huli ay muling napagtibay na ang kilusang masa at ang pagkilos ay tunay na mas malaki kaysa sa sarili, at na higit pa sa sarili ang pinanataang paglingkuran nang buong buhay at tapat sa loob ng mahigit isang dekada ng pagkilos.

Nasaid yata ang luha sa taong 2016. Naging mahirap, pero muli, kinaya. At ang mahalaga, nandito pa rin at kumikilos. At sa puntong ito, siguradong-sigurado na talaga, panghabambuhay na ito.

Para sa 2017 at para sa mas maiigting pang laban, sakto lang. Eksayted pero chill. Sulong, hanggang tagumpay. 🙂

—–

Para sa recap ng mga pampulitikang kaganapan ng 2016, bisitahin ito: https://natoreyes.wordpress.com/201…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s