Captions by convo per pic | Pre-pics: [Mami] Aba, naka-dangling ka pa? [Ako] Ang lagay, ikaw lang? Makapag-lipstick nga rin. 😎 [Mami] Bigay ‘to sa ‘kin ni Clara, galing Israel. [Ako] Ito naman, gawa ng mga kasamang indigenous na kababaihan mula sa Cordillera. May sharing kami nung Monday on human rights situation. 👍🏽 | Pic #1: *Serious* [Mami] Biruin mo ‘yun, 35 ka na. Ang bunso ko, 35 na. 🤔 | Pic #2: [Ako] Tingin ka rito, selfie tayo. (Hindi po kami nagse-selfie habang nagda-drive s’ya. Naka-park po kami n’yan. LOL.) [Mami] Eh ba’t madilim ako? 😑 | Pic #3: [Ako] Ayan, buksan natin ilaw. [Mami] Ok, sige na nga. Ikaw naman may bday. 😏 | Pic #4: Kain muna. Gutom na kami. Combo of New York Sirloin and Shrimp Scampi. [Ate Marlene] Net, ilang taon ka na? [Mami] 35! [Fr. Adolf] 25! [In my head] Forever young! 🥩🍤 | Pic #5: Tiramisu. [Ate Marlene to waitress] Can the bday girl get a cake? [Waitress] Of course! She can get whatever she wants! [Ate Marlene, pagka-alis ng waitress] Ayan, may libreng cake ka na! [Fr. Adolf] Huy, anong libre? Sabi lang n’ya, she can get whatever she wants. Pero ‘di sinabing libre. [In my head] Kapitalismo, ibagsak! (Hindi po libre ang cake. Pero kinantahan ako ng staff ng “Happy Bday”, with matching lusis on top of the cake. Lelz.) 🍰 | Pic #6: Obligatory bday pic in the restaurant with my mami, Fr. Adolf, Ate Marlene and Ate Clara. Nabusog naman po kami. Hehe. Tsaka next week pa po bday ko. Ang habang bday celebration! 😂 Salamat sa nanay ko sa advanced bday dinner (dahil neks, neks wik na ako ulit makakauwing upstate)! Labyu! Mwah! ❤️ #35
#BirthMonth
#WhenInUpstate