Naalala ko ang isang activity na pinagawa sa amin ng isa sa mga naging propesora ko noong college. Tinanong ang estudyante sa pinaka-dulong silya sa harapan kung anong kinain nang araw na ‘yon at sunod-sunod, lahat ng mga estudyante sa buong klase hanggang sa pinaka-dulong silya sa likod, dapat ay magbigay ng step-by-step na proseso kung paano at sino ang mga naging bahagi sa paghahanda ng pagkaing iyon. At natumbok na ang pagkain ng estudyanteng iyon ay hindi makararating sa hapag-kainan kung walang manggagawa’t magsasaka.

Kuha mula sa multi-sektoral na mobilisasyon laban sa Krisis Pang-ekonomiya (22 Sept 2008: Manila, Philippines)
Parang sa Royal Wedding ni Kate Middleton at Prince William (na di-nrowing ko pa noong 2nd year highschool at ginamit pa ng klase sa dulang Florante at Laura). Simple lang. Walang gown. Walang pagkain. Walang magagarang plato, kutsara’t tinidor. Walang karwahe. Walang simbahan. Walang pulpito. Wala lahat. Walang kasal kung walang manggagawa’t magsasaka.
For that, mabuhay ang mga tunay na makapangyarihan — ang kolektibong pagkilos ng magsasaka’t manggagawang bumubuo sa malawak na hanay ng sambayanan!
Lumahok sa mga pagkilos sa Mayo Uno — Pandaigdigang Araw ng Paggawa — at igiit ang karapatan ng mga tunay na tagapaglikha ng yaman ng mga bansa!
——————–
PS: Sa Linggo, Mayo Uno, kitakits sa Bayanihan Filipino Community Center (40-21 69th St. Woodside, NY 11377) ng 10:30 am para sa mga manggagaling sa Queens. Para sa mga manggagaling sa New Jersey, kitakits sa Journal Square, 10:30 am din. At para sa mga dederecho sa Manhattan, kitakits sa Union Square (14th St. & Broadway, in front of Shoe Mania) ng 12nn. Hanapin lamang ang flags ng NAFCON, BAYAN at GABRIELA USA. Maligaya at militanteng Pandaigdigang Araw ng Paggawa!